LET US SUPPORT PHILIPPINE ARTS AND THEATER!!!

If you would like to add upcoming shows, please email philippineartsandtheater@gmail.com.

Saturday, January 30, 2010

Mga Kwento ni Lola Basyang


Dates available for booking of mobile presentations:
July 2009 to June 2010

Tatlong kinagigiliwang kuwento sa isang makulay na dula para sa mga bata at sa mga nakatatandang nais balikan ang hiwaga at pantasya ng mga salaysay mula ating paboritong Lola.


ANG PRINSIPENG MAHABA ANG ILONG
Noong unang panahon ay may isang prinsipe. Bunga ng isang sumpa, ipinanganak siyang may ilong na napakahaba. Dahil nais ng kanyang mga magulang na lumaki siya sa paniniwalang siya ay normal, hindi siya hinahayaang makalabas at tanging ang mga tao lamang na may kaibang ilong ang hinahayaang makapagtrabaho sa palasyo.

Isang araw, pinagbigyan siya ng mga magulang na makalabas ng palasyo at sa kanyang pamamasyal, malalaman ng Prinsipe ang katotohanan ukol sa kanyang kakatwang ilong. Ngunit makakatagpo rin siya ng tunay na kaibigan. Ang pagkakaibigan bang iyon ay sapat para mabali ang sumpa?


ANG BINIBINING TUMALO SA MAHAL NA HARI
Noong unang panahon, sa Kaharian ng Tondo ay may isang dalaga na bantog sa kanyang pambihirang ganda at talino. Bagaman isa lamang siyang anak ng utusan ay inibig siya ng prinsipe. Hindi sang-ayon ang datu sa pag-iibigan ng dalawa kung kaya’t nag-isip siya ng paraan para sila ay mapaghiwalay.

Tatlong hamon sa katalinuhan ang sunod-sunod na ipinadala sa kanya ng Datu. Mapatunayan kaya niya na ang kanyang talino ang tatalo sa hari at magbibigay sa kanya ng karapatang umibig kabila ng pagkaka-iba ng kanilang antas sa lipunan.


ANG PRINSIPENG DUWAG
Noong unang panahon ay may prinsipeng saksakan ng duwag. Dahil rito ay pinalayas siya ng kanyang Amang Hari. Sa kaniyang paglalakbay ay nakarating siya sa kalapit na kaharian kung saan niya nakilala ang isang maganda at matapang na prinsesa. Silang dalawa ay nagkaibigan at hindi nagtagal ay nagpakasal. Iniatang sa prinsipe and katungkulang maging pinuno ng hukbo.

Paano kaya pamumunuan ng isang prinsipeng hindi naniniwala sa pakikipaglaban ang isang hukbo? Mapatunayan kaya niya ang kaniyang pagmamahal sa harap ng mga matatapang na Gurko?

Source

No comments:

Post a Comment